CAMP OLIVAS — Limang dating miyembro ng communist terrorist group (CTG) at communist front organizations (CFO) noong Lunes ang sumuko sa mga awtoridad ng Central Luzon kasama ang kanilang mga baril, ayon kay PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.
Sa Nueva Ecija, isang dating miyembro ng Liga ng Manggagawang Bukid ang sumuko sa pulisya kasama ang isang .38 revolver at mga bala habang isang dating miyembro ng Militiang Bayan na kilala bilang “Win” ang isinuko rin ang .38 revolver sa 302nd MC RMFB3 sa Sto. Tomas Lubao, Pampanga.
Si “Win,” na na-recruit ng CTG noong 1986, ay naatasang maghatid ng mga suplay at magbigay ng intelligence galing sa militar.
Nakatanggap siya ng paunang tulong na pera upang matulungan ang kanyang pagbabalik sa komunidad.
Noong nakaraang Linggo, sumuko si “Michael,” isang dating kasapi ng Militiang Bayan mula sa Zambales, kasama ang isang .22 na baril habang dalawang babae sa Bataan ang tinalikuran ang kanilang relasyon sa ANAKPAWIS (CFO ng CPP-NPA-NDF) at ibinalik ang .38 pistol sa lokal na pulis.
“Tinatanggap namin ang aming mga sumukong indibidwal hindi bilang mga kalaban, ngunit bilang mga kamag-anak. Ipinaaabot namin ang isang imbitasyon sa iba pang mga aktibong miyembro ng CTG/CFO na muling sumali sa legal lipunan at yakapin ang isang mas maliwanag na hinaharap,” ani Hidalgo.