Sinalakay ng pinagsanib pwersa ng PDEA at Hermosa PNP ang isang suspected drug den sa Hermosa Heights, Brgy. Culis, Hermosa, Bataan.
Ayon Kay Hermosa Police Chief, Police Major Melanio Santiago, nagresulta ito ng pagkakadakip sa limang katao na nakilalang sina Robert Ronquillo, 38, taga San Benito, Dinalupihan, Bataan; Lily Grace Bahala, 39, taga San Benito, Dinalupihan; Jefferson Basilio,37, taga Naparing, Dinalupihan; Eigie Baka,18, nakatira sa Valenzuela City; at Arnel Garcia, 24, taga Hermosa Heights, Hermosa, Bataan.
Nakuhang ebidensya ang suspected shabu na may timbang na 12 grams at nagkakahalaga ng P81,600; marked money na P500 at assorted drug paraphernalia.
Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampang kasi laban sa mga nadakip.