5K residente ng Tarlac, Pampanga nakinabang sa AICS ng DSWD

Humigit kumulang limang libong residente sa mga lalawigan ng Tarlac at Pampanga ang nakinabang sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS ng Department of Social Welfare and Development.

Sa numerong iyan, nasa 3,833 ang mga benepisyaryo sa Tarlac habang nasa 2,000 naman ang tumanggap ng ayuda sa Pampanga. 

Sa pangunguna ni Senador Imee Marcos, nakatanggap ng tatlong libong pisong tulong-pinansyal ang bawat indibidwal sa ilalim ng AICS program. 

Kabilang dito ang mga magsasaka, barangay health workers, day care center workers, senior citizens, persons with disability at mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo. 

Ayon kay Marcos, prayoridad ng programa na maabutan ng tulong ang mga magsasakang nawalan ng ani, at mga residenteng nasiraan ng bahay dahil sa bagyo. 

Bukod sa pamamahagi ng tulong-pinansyal, nagbigay rin ng mga nutribun at laruan ang senador kaugnay ng kanyang adbokasiya na maisulong ang kalusugan ng mga bata. 

Inihayag din niya ang upgraded version ng mga nutribun na may palaman at iba’t-ibang flavor para sa mga estudyante sa day care center. 

Samantala, binanggit ni Marcos ang kanyang plano na maibalik ang Kadiwa Store upang makapagbigay-daan sa mas mababang presyo ng mga bilihin. 

Aniya, tuluy-tuloy na palalakasin ang mga programa para sa iba’t-ibang sektor upang mabigyang solusyon ang mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews