Anim na hinihinalang mga suspek sa droga ang napatay sa magkakahiwalay na engkuwentro habang aabot sa isang-daan at limamput-isa pang mga suspek ang nasilo sa isinagawang weeklong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) mula nitong nakaraang Agosto 1 hanggang kahapon ng umaga.
Ayon kay Bulacan Police Provincial Office (PPO) director PCol. Chito Bersaluna, kabilang sa nasabing operasyon ay kinabibilangan ng 107 kung saan 67 ay Anti-Illegal Drug operations, 40 Served Warrant of Arrest at isang Anti-Illegal Logging operation na isinagawa ng 21 Municipal Police Stations at 3 City Police Stations, Bulacan 1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Bulacan Crime Investigation and Detection Management Group (CIDG).
Nabatid na anim na suspek ang nasawi makaraang manlaban umano sa mga pulis na nagpanggap na poseur buyers matapos ang isinagawang buy bust operations habang 151 pang mga suspek ang inaresto.
Narekober naman sa kanilang mga posesyon ang 274 piraso ng heat sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu, 6 sachets ng dried “marijuana” leaves; assorted drug paraphernalia, six undocumented firearms at mga bala.
Ang mga arestadong suspek at mga nakumpiskang mga ebidensiya ay nasa pangangalaga ng Bulacan Crime Laboratory Office habang naisampa na ang mg kukulng kaso laban sa mga ito.