64th case ng COVID-19 sa bansa naitala sa Bataan

Natapos na ang COVID-19-Free status ng Bataan matapos makumpirma na ng Department of Health na ang ika-64 na kaso ng COVID-19 ay nasa Bataan. 

Siya ay isang 32-year-old na lalaki na taga Orani at may code name na PH64 M32. 

Ayon naman sa opisyal na pahayag ni Bataan Governor Abet Garcia, naka-quarantine na ang pasyente sa isang ospital sa Balanga City at masusing inaasikaso ng mga medical staff ang lahat ng kanyang pangangailangang medikal. 

Dagdag pa ng Gobernador, nagsasagawa na ng contact tracing, pangangalap ng impormasyon at masusing imbestigasyon sa mga kaanak ang naturang pasyente ang Bataan Provincial Health Office. 

Tiniyak naman ni Governor Garcia na naka-activate na ang Bataan Outbreak Response Team na nagsasagawa ng round the clock fever monitoring at surveillance sa mga papasok sa mga entry points ng lalawigan ng Bataan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews