7 katao arestado ng NBI sa isinagawang raid sa Gapo

Nadakip ang 7 katao sa isinagawang raid o pagsalakay ng National Bureau of Investigation o NBI sa isang bodega o warehouse sa Olongapo City.

Sa report mula sa NBI Olongapo, natagpuan umano ng raiding team ang mga expired na kahun-kahong consumer products kagaya ng kape, sardinas, junk foods, palaman at mga frozen products na pawang mga famous o kilalang brands. 

Ayon kay Atty. Orlando Navallo, chief agent ng NBI Olongapo, sinalakay nila ang Phil-Em Enterprises sa Building 187 Gridley Road sa loob ng Global Industrial Park sa Subic Bay Freeport Zone. 

Dagdag pa ni Navallo, sa kanilang pag-iimbestiga, pinalitan o altered ang mga expiration dates ng mga nasabat nilang mga produkto na nakasilid pa sa mga kahon nito. 

Ang raid ng NBI ay sa bisa ng search warrant mula kay Olongapo City RTC Branch 74 Assisting Judge Michael Real.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines (RA 7394), Food and Drugs Administration (RA 9711) at Food and Safety Act of 2013 o RA 10611 ang may ari o operator ng naturang warehouse. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews