FORT RAMON MAGSAYSAY — May karagdagang 11 bagong military truck ang Army 7th Infantry Division o 7ID.
Ayon kay 7ID Commander Major General Felimon Santos Jr., ang mga bagong sasakayan ay bahagi ng programang modernisasyon ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na makatutulong sa pagpapabuti ng pagtupad sa tungkulin at serbisyo ng mga nasasakupang yunit at batalyon.
Maliban sa pagbyahe ng mga kawal at kanilang mga kagamitan ay magiging malaking tulong din ang mga naturang sasakyan sa panahon ng kalamidad at pagtulong sa mga rescue operation.
Ipinaabot ni Santos ang pasasalamat sa punong tanggapan na nagkaloob ng mga bagong sasakyan sa dibisyon.
Bukod sa mga naturang trak, tumanggap din ang 7ID ng tatlong multipurpose vehicle na inilaan sa Post Engineering Detachment, Division Training School at Real State Preservation and Economic Welfare Center.