BALANGA CITY – Nananatiling positibo sa Red Tide toxin ang karagatang sakop ng 8 bayan sa Bataan kabilang ang coastal waters ng Pampanga at iba pang lugar sa bansa.
Ito ang nakasaad sa Shellfish Bulletin No. 31 series of 2018 na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR noong Disyembre 28, 2018.
Base sa ulat ang mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga City, Abucay at Samal ay positibo pa rin sa Paralytic Shellfish Poison.
Dahil dito ang pagkain sa lahat ng uri ng shellfish kagaya ng tahong, talaba, etc., pati na ang alamang na nakalap sa mga nabanggit na lugar ay hindi safe para sa human consumption.
Gayunman ang mga isda, hipon, pusit, alimango o crabs ay ligtas kainin kung ito ay nahugasan ng maigi at naluto ng maayos bago kainin.