Bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa Agosto gamit ang mga sistema para sa “new normal” ay sinimulan nang nang ipamahagi ng Samal LGU ang walumpung (80) television para sa mga pampublikong paaralan sa Samal, Bataan.
“Ito ay bahagi ng ating paghahanda para sa posibleng pagbubukas ng ating mga paaralan. Bagamat tayo ay kumakaharap sa kasalukuyang o ito, atin ding pinagsusumikapan na maalalayan ang ating mga guro,” pahayag ni Samal Mayor Aida “Yorme” Macalinao.
Aniya, inuunang ayusin ang ‘internet connectivity’ sa bawat barangay at paaralan at kasabay nito ay ang pagbibigay din ng mga kagamitan para sa mga school heads upang makatulong sa kanilang paghahanda sa pasukan.
Dagdag pa ni Mayor Macalinao, ilan dito ay ang laptops para sa mga school heads at district office, photocopier machines para sa mga paaralan at ilan pang mga kagamitan na inilapit ng mga guro sa office of the Mayor.
“Ang aking lamang maipapangako ay hindi ko po kayo iiwan at pababayaan, dahil hindi sama-sama po nating pagtatagumpayan ang laban na ito,” pagtitiyak pa ni Yorme Aida.