83 MSMEs sa Bulacan, nagtapos sa mentoring program ng DTI

LUNGSOD NG MALOLOS (PIA) — May kabuuang 83 micro, small and medium entrepreneurs o MSMEs ang nagsipagtapos sa isinagawang mentoring program ng Department of Trade and Industry o DTI katuwang ang Bulacan Chamber of Commerce and Industry o BCCI.

Ang mga nagsipagtapos ay sumailalim sa apat na linggong Meaningful Inspiration for Newbiz Made Easy o MINI ME training na kinapapalooban ng apat na module na pagsasanay kabilang ang marketing, financial management with simple bookkeeping, operations and supply chain management at product development.

Ayon kay DTI Bulacan Director-In-Charge Ernani Dionisio, binuo nila ang MINI ME upang magbigay ng makabuluhang kaalaman sa mga negosyante sa lalawigan upang mapalakas ang kanilang operasyon at mapataas ang kita at kalidad ng kanilang produkto.

Dagdag pa ni Dionisio, ang mga lumahok na MSMEs ay nakapokus ang produksyon sa agribusiness, food, gifts at holiday decors, furniture and furnishings, wearables at tourism.

Ang MINI ME kinapapalooban ng tatlong components: a) hand holding of micro enterprises ng mga miyembro ng BCCI, b) regular learning sessions at c) capacity building program for micro enterprises.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews