Umabot na sa 88 ang bilang ng mga positive COVID-19 cases sa Bataan ngayong unang araw ng Mayo.
Ito ay base sa ulat ng PHO habang 61 naman ang nag negatibo.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso na pawang mga health workers mula BGHMC ay ang mga sumusunod: isang 31 taong gulang na babae mula sa Orion, isang 48 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga, isang 39 na taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga, at isang 23 taong gulang na babae mula sa Abucay.
Sa kabuuan, nananatiling labing walo (18) ang nakarecover na at apat (4) ang pumanaw na.
Nasa 856 ang naghihintay ng resulta at 1,151 ang nag negatibo.
Mula noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay mayroon na pong 2,095 na na-test na sa buong probinsya ng Bataan.