Basahin: Pahayag ni Mayor Vilma Balle-Caluag ukol sa pagsampa sa kaniya ng kaso ng vote-buying

Sa mga minamahal kong Fernandino,

Nais ko pong ipabatid na ako, kasama ang aking asawa na si G. Melchor S. Caluag at G. Julmar Mercado, ay sinampahan ng kasong vote-buying sa Regional Trial Court ng ating lungsod.

Ayon sa Commission on Elections o COMELEC, ang kaso ay kaugnay sa Barangay Election noong nakaraang October 2023, kung saan tumakbo ang aking asawa bilang Punong Barangay ng Dolores.

Nais ko pong linawin na ang kasong ito ay walang kinalaman sa aking kasalukuyang muling pagtakbo bilang alkalde ng ating Syudad.

Bilang paggalang sa proseso ng batas, kami po ay haharap sa kasong ito at ipagtatanggol ang aming mga sarili laban sa mga akusasyon, bilang kami ay naniniwala sa justice system dito sa ating bansa.

Sa kabila ng naturang kaso, nakatuon pa rin po ang aking atensyon sa pagtulong at pagsisilbi sa mga Fernandino. Patuloy rin po ang aking pagbisita sa mga barangay at komunidad ng Syudad upang ibahagi ang mga nagawa nating proyekto at ang mga plano pa ng ating administrasyon para sa mga Fernandino bilang kanilang “Inda ning Syudad.”

Sa pagtatapos ng aking pahayag, nais kong iparating na ang paggamit ng panggigipit, pananakot, at karahasan sa pulitikaβ€”o sa kahit anumang larangan o kareraβ€”ay walang puwang sa ating Syudad.

Hayaan po natin ang bawat Fernandino na magdesisyon nang malaya at may kaalaman.

Maraming salamat po! Patuloy na lalaban para sa inyong kapakanan, kalayaan, at kinabukasan,

𝗠𝗔𝗬𝗒π—₯ π—©π—œπ—Ÿπ— π—” π—•π—”π—Ÿπ—Ÿπ—˜-π—–π—”π—Ÿπ—¨π—”π—š

π—–π—”π—¦π—˜ π——π—˜π—§π—”π—œπ—Ÿπ—¦: Criminal Case No. 36745 (alleged violation of the Section 261(a)(1) of the Omnibus Election Code (vote-buying) filed before the RTC by COMELEC Central Luzon, through its Assistant Regional Director Atty. Elmo Duque, on April 8, 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews