Laban kontra droga pinagtibay

Muling pinagtibay ni Congressman Carmelo “Jon” B. Lazatin II ang kampanya laban sa ilegal na droga na ayon sa kanya ay nagbibigay ng negatibong epekto sa kalagayan ng pambansang ekonomiya at seguridad.

Si Lazatin ay naging pangunahing tagapagsalita sa anti-drug symposium na isinagawa noong nakaraang Biyernes sa Sta. Ines Elementary School, sa siyudad ng Mabalacat, Pampanga. Ito ay nilahukan ng mga estudyante, mga magulang, miyembro ng Philippine National Police (PNP), mga opisyales ng mga barangays sa Mabalacat City at mga representatives ng mga non-government organizations.

Dapat na ngang sugpuin sa lalong madaling panahon ang problema sa ilegal a droga. Marami na ang nasiraan ng buhay, mga pamilyang nagkawatak, at mga namatay dahil sa ipinagbabawal na gamot katulad ng “shabu.”

Naging matagumpay ang mga programa ni Mabalacat City Mayor Marino “Boking” Morales laban sa ilegal na droga. Labing walong barangays ng Mabalacat City ang idineklarang drug-free ng PNP matapos ang isang masusing revalidation na isinagawa nito. Ang mga natukoy na barangays ay ang Bical, Poblacion, San Joaquin, San Francisco, Mamatitang, Tabun, Dolores, Santo Rosario, Sta. Maria, Mangalit, Paralayunan, Bundagul, Sapang Balen, Mawaque Resettlement Center, Santa Ines, Macapagal Village, Calumpang at Cacutud.

Hindi nagtatapos ang laban kontra ilegal na droga sa pagdakip lamang ng mga pushers at users. Ang mga ito ay binibigyang tsansa ng Mabalacat City government na magbago at maging productive members ng bayan.

Muli kinatigan ni Morales ang panawagan ni Presidente Rodrigo Duterte na tuluyan ng buwagin ang ilegal na droga sa buong bansa sa ilalim ng pinag-ibayong programa sa ilalim ng ‘Oplan Double Barrel Reloaded.’

Mula pa noong March 7 matapos ilunsad ang ‘Oplan Double Barrel Reloaded’, anim na operations na ang isinagawa at may 9 katao ang dinakip. Nasa may 2,000 drug users naman ang mga sumurender sa ilalim nga Double Barrel and Double Barrel Alpha.

Ang mga miyembro ng Barangay Anti- Drug Abuse Council (BADAC) sa 27 barangays ng Mabalacat City ay nagpulong kumakailan upang pag ibayuhin ang laban kontra illegal na droga.

Ang mga barangay officials ay inaasahang susuporta sa programang ‘Oplan Double Barrel Reloaded’. Kakaharap ng kaukulang administrative case ang napatunayang hindi sumuporta sa laban kontra illegal na droga.

Si Congressman Lazatin at Morales ay nagkapitbisig upang sugpuin ang sakit na ito sa lipunan. Sila ay magkasangga para sa ikabubuti hindi lamang ng Mabalacat kundi ng buong pirmera distrito ng Pampanga.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews