Programang pangkalusugan

Napakaganda ng mga programang pangkalusugan ng Philippine Health Insurance (Philhealth) para sa ating mga senior citizens, mga buntis at mga may kapansanan o Persons with Disabilities (PWDs).

Noong Lunes, ating napakanayam si Philhealth Vice President for Region 3 Walter Bacareza na nagpahayag ng mga programang ito sa NewsHues sa Park Inn, Radisson Clark. Ayon kay Bacareza, sinisikap ng Philhealth na itaguyod ang kanilang mga programa sa buong Central Luzon lalo na sa mga mahihirap na lugar.

Sinabi ni Bacareza na marami sa ating mga kababayan ang hindi naaabutan ng programang pangkalusugan ng ating pamahalaan kung kaya ninais nila na hikayatin ang mga ito na sumangguni sa Philhealth.

Marami sa mga mahihirap na kababayan natin ang natatakot na pumunta sa mga hospital dahil sa taas ng mga gastusin, ani Bacareza.

Sa ilalim ng universal health care programs ng Philhealth, ang ating mga kababayan ay maari ng dumulog sa mga hospital upang magpagamot, ani Bacareza.

Ani Bacareza, “Ang hiling ko lamang sa ating taga-media na sabihin sa ating mga senior citizens na protektado na sila ng Philhealth.” Nag-apela si Bacareza sa ginawang Philhealth ‘Media Pasasalamat’ na isinagawa sa Royce Hotel and Casino sa loob ng Clark Freeport Zone.

Mariing sinabi ni Bacareza na ang mga senior citizens ay covered ng Philhealth. Ang mga buntis at non-members ng Philhealth naman na kabilang sa hanay ng mga mahihirap ay tatanggapin sa ilalim ng Philhealth point of care program.

“Huwag silang matakot dahil nandito ang Philhealth, hindi natin sila pababayaan,” ayon kay Bacareza.

Kabilang narin sa programa ng Philhealth and mga bata may kapansanan. Sa ilalim ng “Z” benefits ng Philhealth ang mga batang may kapansanan sa pandinig, mata, pagkapilay at iba pa ay kasama sa programa upang bigyan ng tulong pangkalusugan.

Ang Region 3 ang may pinakamaraming hospitals na accredited sa Philhealth.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews