AK-47 rifles, military trucks, ibibigay ng Russia sa Pilipinas

SAN MIGUEL, Bulacan — Idedeliber na ng pamahalaan ng Russia ngayong Oktubre 22 ang may 5,000 Kalashnikov AK-47 Rifles at 20 military trucks.

Iyan ang kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa paglulunsad ng New AFP/PNP Housing Program para sa mga Scout Rangers sa Camp Tecson.

Ayon sa kalihim, kabilang ito sa mga resulta sa pakikipag-usap kay Russian President Vladimir Putin sa official visit ni Pangulong Duterte sa Russia nitong Mayo.

Ang mga ito aniya ay gagamitin ng militar upang labanan ang terorismo. (CLJD/SFV-PIA 3)Shane F. Velasco

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews