Badyet ng Pulilan, target maging P600M sa 2022

PULILAN, Bulacan — Inilalatag na ng lokal na pamahalaan ng Pulilan ang mga reporma para mapalaki ang pambayang kaban, upang umabot sa 600 milyong piso ang pondo nito sa taong 2022.

Iyan ang tinatanaw ni Mayor Maritz Ochoa-Montejo ngayong nagdiriwang ang Pulilan ng ika-222 taong pagkakatatag bilang isang bayan.

Ngayong 2018, 470 milyong piso ang budget ng Pulilan. Ito ay mas mataas sa 440 milyong piso noong 2017.

Binigyang diin ni Montejo na palalakasin ng pamahalaang bayan ang istratehiya upang dumami pa ang mga mamumuhunan sa Pulilan.

Isa na rito ang ‘paglalako’ sa Pulilan bilang masiglang destinasyon para sa mga mamumuhunan.

Patunay dito ang epektibong pagpapatupad ng tatlong taong Tax Holiday sa sinumang maglalagak ng puhunan o magbubukas ng negosyo dito. (CLJD/SFV-PIA 3)Shane F. Velasco

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews