LUNGSOD NG TARLAC — Inaanyayahan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang mga mangagawa sa pribadong sektor na sumali sa 2018 Search for Talentadong Manggagawang Tarlaqueño.
Sinabi ni DOLE Tarlac Officer-In-Charge Aurita Laxamana na layunin ng aktibidad, na bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, na bigyang pagkakataon ang mga nasa pribadong sektong na ipakita ang kanilang pagkamalikhain at angking galing sa labas ng apat na sulok ng kanilang lugar ng trabaho.
Ang mga kalahok ay dapat 18 taong gulang, Filipino citizen, at empleyado ng isang kumpanya/micro, small, medium enterprise o MSME na nakabase sa Tarlac. Pwede ring sumali ang self-employed.
Sila din ay hindi pa dapat nananalo sa kahit anong talent competition mapa professional man o amateur at ang kanilang gagawin ay hindi mapanganib o malisiyoso.
Maaring dalhin ng mga interesado at kwalipikado ang alinman sa mga sumusunod sa tanggapan ng DOLE Tarlac sa o bago mag Abril 18: Company ID, Certificate of Employment, DTI Registration (para sa mga MSMEs), o Barangay Certification stating the nature of work.
Maaring kontakin ang 09175549718 o 09258150229 para sa mga karagdagang impormasyon.
Isasagawa ang elimination round sa Abril 22 sa Citywalk, lungsod ng Tarlac para malaman ang mga papasko sa Grand Finals sa Mayo 1.
15,000 piso ang makukuha ng Grand Winner habang 10,000 piso ang sa Runner Up, at 8,000 piso ang sa 2ndRunner Up.