RDRRMC, inanunsyo ang mga nagwagi sa ika-20 Regional Gawad Kalasag

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Inanunsyo ngayong Biyernes ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC ang mga nagwagi sa ika-20 Regional Gawad Kalasag.

Ayon kay Office of Civil Defense o OCD Regional Director at RDRRMC Chairperson Marlou Salazar, layunin ng Gawad Kalasag na kilalanin ang mga katangi-tanging kontribusyon ng mga DRRM practitioners, grupo o institusyon na nagsusulong at nagpapatupad ng mga mahahalaga at gender-sensitive na mga programa at inobasyon ng DRRM, Climate Change Adaptation na magdudulot ng community resiliencysa pangmatagalan.

Kinilalang mga Best Local DRRM Councils ang Pampanga (Province category), lungsod ng Angeles (Highly Urbanized City category), lungsod ng San Fernando (Component City category), Baler sa Aurora (1st-3rdclass Municipality category), at Barangay Pagas sa lungsod ng Cabanatuan (Barangay-Rural category).

Panalo naman sa Gawad Kalasag for School ang Alasasin Elementary School sa Mariveles, Bataan (Public Primary category); Camp Tinio National High School sa lungsod ng Cabanatuan (Public Secondary category); at National Child Development Center ng Baler Central School sa Aurora (Early Learning Center category).

Sa kabilang banda, wagi sa Gawad Kalasag for Hospitals ang Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ng lungsod ng Cabanatuan (National Government managed category); Mariveles Mental Hospital sa Bataan (Specialty category); at James Gordon Memorial Hospital sa lungsod ng Olongapo (Local Government Unit managed category).

At panghuli, ang San Fernando Fire and Rescue Unit ang tatanggap ng special recognition para sa Local Government Emergency Management and Response Team.

Ang mga nagwagi ay pinili ng kumite na binubuo ng mga kinatawan mula OCD, Department of the Interior and Local Government, Department of Public Works and Highways, Department of Education, Department of Health, Philippine Information Agency, Department of Social Welfare and Development, National Economic and Development Authority, Commission on Higher Education, at Department of Science and Technology. (CLJD-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews