703rd Infantry Brigade, namahagi ng school supplies sa Aliaga

LUNGSOD NG CABANATUAN — Namahagi ng school supplies nitong Huwebes ang Army 703rdInfantry Brigade sa may 9,349 mag-aaral sa bayan ng Aliaga.

Ayon kay 703rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Abraham Claro Casis, layunin nito makatulong sa mga pangangailangan ng mga kabataan lalo na ngayong pasukan.

Dagdag pa ni Casis na hangad nila na iparamdam sa mga taga Aliaga na hindi lamang sa larangan ng pakikidigma nakatuon ang pagiging isang kawal higit sa lahat ay makaagapay sa mga pangangailangan ng nakararami.

Kabilang sa mga tinanggap ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ang tig-anim na notebook gayundin ang lapis, pambura, pantasa at pares ng tsinelas.

Katuwang ng 703rd Infantry Brigade sa naturang aktibidad ang pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija na namahagi ng libreng pagkain para sa mga estudyante.

Nakibahagi rin ang pamahalaang bayan ng Aliaga, National Bookstore Foundation, Inc. at Go Share Foundation.

Ipinaabot naman ni Department of Education Aliaga District Coordinator Bernabe Gaya ang pasasalamat sa mga kasundaluhan at mga tanggapang patuloy ang suporta at pagpapahalaga sa edukasyon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews