Mga residente ng Bocaue, nakibahagi sa EMB ‘Refill Revolution’

LUNGSOD NG MALOLOS — May dalawang libong residente ng bayan ng Bocaue sa Bulacan ang nakibahagi sa Refill Revolution ng Environmental Management Bureau o EMB.

Ayon kay EMB Regional Director Lormelyn E. Claudio, naparefill nila ang kanilang mga malilinis at reusable na mga bote, lalagyan at eco bags ng mga condiments, toiletries and iba pang kagamitan sa bahay sa kalahati ng aktwal nilang presyo sa mga supermarkets.

Dagdag pa ni Claudio na layunin nito na mabawasan ang paggamit at pagkonsumo ng plastik upang makatulong sa pagbawas ng polusyon sa hangin at tubig.

May dalawang libong residente ng Bocaue, Bulacan ang nakibahagi sa Refill Revolution ng Environmental Management Bureau. Naparefill nila ang kanilang mga malilinis at reusable na mga bote, lalagyan at eco bags ng mga condiments, toiletries and iba pang kagamitan sa bahay sa kalahati ng aktwal nilang presyo sa mga supermarkets.(Shane F. Velasco/PIA 3)

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Joni Villanueva-Tugna na kung mawawala sa mga itinatapon ang mga plastik na bote ay malaking kabawasan ito sa gastusin sa koleksyon ng basura sa Bocaue.

Aniya, gumagastos ang pamahalaang bayan ng 30 milyong piso taun-taon para lang bayaran ang serbisyo ng koleksyon ng basura kaya kung matututong gamitin muli ang mga bote kaysa itapon ay hindi na iyan babara sa mga kanal at sa ilog.

Inilahad naman ni Senador Joel Villanueva na inihain niya ang Senate Bill 1032 o ang Beverage Container Disposal Bill.

Ipinaliwanag ng senador na kapag ito’y naging ganap na batas, ito ang kokontrol sa produksyon ng mga boteng plastik sa anumang gamit.

Literal na bibilangin ang mga malilikhang mga boteng plastik at magtatakda ng pamamaraan kung paano gagamitin muli.

Tutukuyin din kung alin-aling mga boteng plastik ang hindi na dapat gamitin para lagyan ng may kaugnayan sa pagkain ng tao at tutukuyin ang iba pang maaring muling paggamitan nito.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews