Murang NFA rice, nakaabot na sa mga resettlement sites sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — Nakaabot na sa mga resettlement sites ang murang bigas mula sa National Food Authority o NFA sa pamamagitan ng Tagpuan Day Rice Response Delivery Program.

Ayon kay NFA Bulacan Manager Elvira Obana, kabilang sa kanilang mga nabisita yung mga nasa lungsod ng Malolos at San Jose del Monte at mga bayan ng Bocaue, Balagtas at Calumpit.

Naglaan ang NFA ng paunang 50 kaban ng bigas para sa naturang programa na dadagdagan base sa stocks ng kanilang bodega.

Limang kilong bigas lamang kada mamimili ang ibebenta sa halagang 27 piso kada kilo na may 25 porsyentong broken rice.

Sakaling maubos ang stocks nito ay iyon naman na may 15 porsyentong broken grain rice stock ang kanilang ibebenta sa halagang 32 piso kada kilo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews