PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng NGCP, tagapamahala ng pambansang daluyan ng kuryente, upang mabawasan ang anumang masamang epekto na maaaring idulot sa mga pasilidad nito sa pagdating ng Bagyong Rosita.
Kasama sa preparasyong ito ang kahandaan ng pasilidad ng komunikasyon, pagkakaroon ng mga kagamitang kailangan sa pagkukumpuni ng maaaring masirang pasilidad, at gayundin ang pagpuwesto ng mga line crews sa mga lugar na maaring daanan ng bagyo.
Ang mga hakbang at paraan na ito ay nakasaad sa Integrated Disaster Action Plan (IDAP) ng NGCP upang matiyak ang lubos na kahandaan ng kumpanya at mga pasilidad nito sa maaaring epekto ng pagdaan ng kalamidad.
Ang NGCP ay mayroon ding Overall Disaster Command Center na nagmomonitor ng mga gawaing ukol sa pagkukumpuni ng mga pasilidad at pagbabalik ng kuryente, mga pag-uulat at kaganapan mula sa mga rehiyong Luzon, Visayas, at Mindanao, kung anumang rehiyon man ang apektado ng kalamidad.