LIMAY, Bataan – Patay ang isang singkwenta y anyos na ginang habang kritikal naman ang kanyang anak na lalaki sa naganap na pamamaril nitong Sabado ng gabi sa Sitio Carbon, Barangay Lamao ng bayang ito.
Sa report mula sa Bataan Provincial Police Office, kinilala ang biktimang namatay na si Melanie Quicho, 50, habang kritikal naman sa isang lokal na ospital ang nueve aƱos na anak nito na si Edgar S. Quicho matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan.
Sa mabilis na follow-up operation ng pulisya ay agad na nadakip ang isa sa mga suspek na si Warren Cabatuan habang at-large pa ang kapatid nitong si SPO1 Shaoline Cabatuan na nakatalaga sa Orion (Bataan) municipal police station.
Nabatid na usapin sa pananalapi at ang pagsasampa ng kaso ng biktima laban sa naturang pulis ang ilan sa mga tinitignang anggulo at motibo sa naturang krimen.