BALER, Aurora — Daan-dang kapulisan at mamamayan ang boluntaryong lumahok nitong Sabado sa isinagawang paglilinis ng tabing-dagat ng barangay Sabang.
Ayon kay Police Provincial Director PSSupt. Cosme A. Abrenica, bahagi ito ng kanilang Project PEDAL o PNP’s Environmental Care and Drive Against Law Breakers.
Layunin nito na pandayin at patibayin ang samahan ng mga stakeholders at mga ahensya ng pamahalaan upang itaguyod ang balanced eco-tourism sa lalawigan at matiyak ang seguridad at kaligtasan ng komunidad lalo ng mga turista.
Dagdag pa ni Abrenica na ipinagmamalaki nila na kanilang pinangunahan ang clean-up activity na sabay sabay na isinagawa sa buong lalawigan.