Duterte nanguna sa pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10 at groundbreaking ng NLEX Connector

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang inagurasyon ng NLEX Harbor Link Segment 10 at groundbreaking  ng NLEX Connector, ang dalawang elevated expressways sa ilalim ng “Build Build Build” program ng gobyerno na siyang magpapaluwag ng malalang trapiko sa Kamaynilaan.


Kasama ng Pangulo ang kaniyang mga gabinete sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, DPWH Sec. Mark Villar, DOTr Sec. Arthur Tugade, NEDA Sec. Ernesto Pernia, DOF Sec. Carlos Dominguez III, DBM Sec. Benjamin Diokno, BCDA President Vivencio Dizon, First Pacific CEO Manny V. Pangilinan, MPICP and CEO Jose Ma. Lim, MPTC President and CEO Rodrigo Franco, NLEX Corp. President and GM Luigi Bautista at ilang mga punong lungsod ng Kamaynilaan.

Nagpasalamat si Villar dahil magagamit na ang nasabing proyektong magde-decongest sa malalang trapiko sa Metro Manila na siyang ipinangako ng Duterte administration na pagbabago sa pamamagitan ng kumbinyenteng pagbiyahe ng mga motorista.


Ayon kay MPTC President CEO Franco, ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay inaasahang maghahatid ng maayos na access at connectivity sa pangunahing lugar ng Metro Manila at mga lalawigan sa North at Central Luzon.


Ang naturang 5.65 kilometrong elevated highway ay inaasahang daraanan ng may 30,000 motorista na hindi na dadaan pa sa magulo at masikip na kalsadahan sa Metro Manila.

Bukod sa masusulusyunan nito ang masikip na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan ay gagaan pa ang travel time ng mga dadaan sa NLEX Harbor Link Segment 10 mula sa C3 sa Caloocan hanggang NLEX Karuhatan sa Valenzuela ay makukuha na lamang ang biyahe nito ng limang minuto, ani Franco.


Kasabay nito ay pormal na isinagawa ang groudbreaking ng NLEX Connector na kung saan magduduktong sa segment 10 at C3 R10 Section along PNR tracks sa 5th Ave/ C3 Road sa Caloocan City.


Ang dalawang new elevated highways ay bahagi ng Metro Pacific’s expansion projects upang maghatid ng mas kumbinyenteng biyahe ng mga motorista at mga oportunidad sa mga kalapit na probinsiya, dagdag ni Franco. ELOISA SILVERIO

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews