Idinaos kahapon ang “Start of Works” ceremony para sa contract package 1 ng PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos segment) ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project na ginanap sa NSCR Valenzuela Depot, Barangay Malanday, Valenzuela City.
Pinangungunahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Start of Works Ceremony, kasama sina CIBAC Partylist Representative Sherwin Tugna, DOTr Undersecretary for Finance Garry De Guzman, Usec. for Legal Affairs Reinier Paul Yebra, Usec. for Railways Timothy John Batan, PNR Chairman Roberto Lastimoso, PNR General Manager Junn Magno, Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Yoshio Wada, D.M. Consunji, Inc. President Jorge Consunji, Taisei Corporation Managing Executive Officer Keiji Hirano, at Taisei Corporation Senior General Manager Katsumi Tamura.
Sakop ng Package 1 ang pagtatayo ng anim (6) na istasyon: Solis, Caloocan, Valenzuela, Meycauayan, Marilao at Bocaue.
Nauna nang sinimulan nitong Pebrero ang konstruksyon sa ilalim ng Package 2, na binubuo ng tatlong (3) istasyon.
Oras na maging fully operational ang 38-kilometrong PNR Clark Phase 1 sa 4th quarter ng taong 2021, inaasahang bibilis ang biyahe sa pagitan ng Maynila at Bulacan.
Ang nasabing proyekto ay magdudulot ng kaginhawahan sa daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil inaasahang mababawasan na ang bumibiyaheng indibidual na nagdadala ng sasakyan at gagamit na lamang ng tren sa pagluwas.
Mula rin sa isa hanggang dalawang oras na biyahe ay magiging 35 minuto na lang ang travel time ng bawat komyuters na sasakay dito mula Bukacan hanggang Tutuban.