Pinaalalahanan ng pamunuan ng North Luzon Expressway Corporation na isasara ngayon Huwebes (June 27) ang Bocaue River Bridge sa loob ng NLEX southbound para sa Stage 1 rehabilitation nito.
Sa ipinadalang advisory ng NLEX nabatid na sisimulan nang i-rehab ang 100-meter middle lane southbound para bigyan daan ang deck slab replacement at girderĀ strengthening.
Sisimulan ang konstruksyon bandang alas-10:00 ng umaga at matataposĀ sa July 27, 2019 ng first stage nito.
Ayon kay Kit Ventura, NLEX Corporate Communication head, ang nasabing proyekto ay nakapaloob sa three-stage project na ang kabuuang matatapos ng konstruksyon ay sa September 7, 2019.
Napag-alaman na magkakaroon ng counterflow scheme kung kakailanganin, ayon pa kay Ventura.
Pinayuhan din ang mga motoristang papasok ng NLEX na asahan na makakaranas ang mga ito ng traffic delays habang isinasagawa ang konstruksyon.
Ang nasabing proyekto ay nilaanan ng NLEX ng mahigit P75 million.