2 Tulak timbog sa P3.4-M shabu sa Bulacan

Tinatayang aabot sa halagang P3.4 million “shabu” ang nakumpiska habang animnaput-walo pang sachet ng illegal drugs ang narekober sa magkakahiwalay na anti drug operation na isinagawa ng joint operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3, Malolos City Police Station at Pulilan Police sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.

Sa report na tinanggap ni Bulacan Police provincial director Col. Chito Bersaluna, humigit-kumulang sa 500 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 M “shabu” ang nakumpiska ng PDEA Region 3 at Malolos City Police Station along McArthur Hi-way sa Barangay Tikay, City of Malolos, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na nadakip sa nasabing buy bust operation na sina Carlos Dalagan, 63, married, tricycle driver at residente ng No. 479 Maunlad Homes Subdivision sa naturang lugar.

Sa bayan ng Pulilan, dalawa pang drug suspek ang naaresto sa operasyon ng kapulisan kung saan kinilala ang mga suspek na sina Jolas Vicente at Gerry Belmonte makaraang magbenta ng droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Samantala, magkakahiwalay pang drug operations ang isinagawa ng Bulacan Police sa mga bayan at lungsod ng Calumpit, Meycauayan, Balagtas, Marilao, San Miguel  at City of San Jose del Monte.

Ayon kay Bersaluna, labing-isang suspek ang nadakip dito na nakilalang sina Jose Simbulan,  46, married; Reanzee Mineses, 19 year-old student ; Herminio San Pedro, 50 years old, Elmer Mostera, 43 years old, Norodin Odin, 42 years old; Larry Mendoza, 43 years old; Cedie Tabilos,25 years old, Elmer Torremotcha Cornel, 38 years old; Joel Torremotcha Cornel, 30 years old; Ronald Cabic,18 years old at John Paul Lazo, 21 years old.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews