SSS, may condonation program hanggang Setyembre 6

LUNGSOD NG BALANGA – Hinihikayat ng Social Security System o SSS ang mga delinkwente na employer na samantalahin ang kanilang Contribution Penalty Condonation Program hanggang Setyembre 6.

Sa isang panayam, sinabi ni SSS Balanga Branch Head Joel Villafuerte na ang programa ay para sa mga employers na may pagkukulang sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ani ni Villafuerte, ang mga employers na mag-aaplay sa kanilang programa ay makakapagbayad ng walang kaakibat na multa.

Giit pa niya, ang hindi pagbabayad ng kontribusyon ng mga employado ay labag sa batas at ang mapapatunayang lumabag ay maaring makasuhan ng SSS.

Dagdag niya, naayon ang programa para mga employers na may kinahaharap na kaso dahil maiuurong ito kapag nakapagbayad nang naayon sa Social Security Act of 2018.

Para mag-aplay, bumisita lamang sa pinakamalapit na SSS branch. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews