Matagumpay ang naging rescue operations ng mga otoridad sa Bataan sa mga na stranded na mountain hikers sa Tarak Ridge, Mount Mariveles, sa Mariveles, Bataan, nitong Linggo.
Ayon kay Mariveles Police Chief, Police Lt. Col. Arnel Dial, nagtulong tulong ang mga pulis, MBDA, mga rescue units at militar para mailigtas ang mga hikers na pawang mga estudyante ng Bataan Peninsula State University.
Sa report ng Mariveles PNP ang mga narescue mula sa matinding ginaw at panganib sa naturang bundok ay nakilalang sina:
1. Aaron Gloria y Villanueva,22yrs old, single, residenten ng Salian, Abucay Bataan.
2. John Jop Tallera y Reyes, 21, old,single ng Balon Anito, Mariveles, Bataan.
3. Mark Joseph Gemena y Saturnina, 21yrs old, single at residente ng Camella Homes Balanga City, Bataan.
4.Hen Mark Sumandal y Cornista, 20yrs old,single, residente San Juan, Samal, Bataan.
5.Janine Dizon y Fabullar, 29yrs old,single nakatira sa Brgy. Central Balanga City, Bataan.
6.Vidith Rose Mangalindan y Gidalgo, 19yrs old, single, residente ng Brgy.Puerto Rivas, Balanga City Bataan, At
7.Jhaver Samson y Solayao, 23yrs old, single, nakatira sa Mt.View, Mariveles, Bataan.
Ayon sa mga estudyante maganda raw ang panahon at pinayagan sila ng Barangay nang umakyat sila doon noong Sabado at sa katunayan at lahat sila ay pawang nakapag register sa barangay hall bago umakyat subalit nang nasa kalagitnaaan na ng hiking ay doon na sumama ang panahon.
Mabuti na lamang anila ay kaagad silang nakatawag ng tulong sa mga otoridad bago mapahamak sa matinding lamig, uhaw, gutom at lakas ng ulan sa gitna ng kabundukan.