Kasalukuyan isinasagawa ang mga major road projects ng NLEX Corporation na nagkakahalaga ng P7.7 billion na siyang magpapagaan ng daloy ng trapiko sa Metro Manila at key areas sa NLEX-SCTEX network.
“A number of projects are simultaneously being implemented in our expressway network in order to ease traffic and prioritize the safety and convenience of our motorists,” ayon kay NLEX Corporation President at General Manager J. Luigi L. Bautista.
Ang mga makabuluhang pagawaing proyektong ito ay kinabibilangan ng mga bagong interchange, bridge rehabilitation sa gawing lalawigan ng Bulacan at mga karagdagang expressways.
Ilan sa mga pagawain ng NLEX ay katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay maghahatid ng mas maayos at magaang biyahe sa mga motorista at makatutulong din sa komunidad at negosyo sa Bulacan.
“The DPWH continuously supports road network expansion along NLEX to facilitate ease of travel, encourage economic growth, and improve public services,” pagtitiyak ni DPWH Region 3 Director Roseller Tolentino.
Ang 600-meter NLEX Balagtas northbound entry ay halos matatapos na at bubuksan sa publiko sa buwang ito.
Ito ay maghahatid ng direct access sa mga motorista mula sa Balagtas Interchange papuntang NLEX northbound habang ang mga motorista na papuntang north buhat sa Balagtas o Plaridel Bypass ay dadaan sa mga local roads at papasok sa NLEX northbound via Sta. Rita sa Guiguinto, Bulacan.
Kabilang din ang konstruksyon ng bagong Tambubong Interchange na magpapagaan sa madalas na heavy traffic situation sa Bocaue Interchange.
Karagdagang toll plaza sa southbound entry at northbound entry lanes ang kasalukyang isinasagawa sa Brangay Tambubong para alternate routes ng mga motorista papuntang Pandi, Bulacan at kalapit bayan nito.
Halos nasa kalahati na nang konstruksyon ang first phase ng DPWH’s Ciudad de Victoria Interchange sa Philippine Arena sa bayan ng Bocaue, Bulacan.
Magkakaroon dito ng dalawang karagdagang linya sa existing Bocaue Municipal Road, isang bagong 80-linear meter 2×2 lane bridge na tatawid ng NLEX at pagkumpuni ng inner road ng Philippine Arena na may haba na 1.93 kilometers.
Ang nasabing road segment ay magmumula sa Bocaue Municipal Hall at dudugtong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan at hindi na dadaan sa masikip na Governor F. Halili Avenue sa Bocaue.
Nabatid pa na ang DPWH ay ginagawa na rin ang additional bridge sa Bocaue Interchange upang madagdagan ang kapasidad ng magkabilang daan nito.
“With all these enhancements, we are hoping to raise the level of convenience and satisfaction of motorists traveling our expressways,” ani Bautista.
Congressman Gavini “Apol” Pancho of Bulacan’s second congressional district, who is instrumental in pushing for these road network improvements said “these road projects will significantly contribute to the decongestion of our roads and will highly benefit the public, not only the Bulakeños, but also those traveling Central Luzon.”
Kabilang din sa major project ang 2.6-kilometer NLEX Harbor Link Segment 10 C3-R10 Section hanggang C3 Road, Caloocan City to Radial Road 10, Navotas City na nasa mahigit na 33 porsiyento nang nagagawa.
Inaasahang sa buwan ng Disyembre ng taong ito ay makukumpleto na ang C3-R10 Section na magkokonek sa kabubukas lamang na 5.65-kilometer NLEX Harbor Link Segment 10 na dumadaan sa Karuhatan, Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City at sa Caloocan Interchange sa 5th Avenue/C3 Road, Caloocan City.
Ito ay dinisenyo para sa direct access ng port area at mga lalawigan sa northern at central Luzon via NLEX.
Kapag nakumpleto ay mababawasan na ang vehicular traffic sa Manila, Caloocan, Valenzuela at ibang pang bahagi ng northern Metro Manila.
Ginagawa na rin ang karagdagang dalawang expressway lanes ng capacity expansion ng Subic Freeport Expressway (SFEX) gayundin ang 2 tulay ng Jadjad and Argonaut at isang tunnel para makatulong sa dumarami at nadaragdagang sasakyan na bumibiyahe mula sa Subic Bay Freeport.