DTI, binuksan ang ika-16 na Negosyo Center sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS —  Binuksan ng Department of Trade and Industry o DTI ang ika-16 nitong Negosyo Center sa Bulacan na matatagpuan sa bayan ng Angat.

Ayon kay DTI Regional Director Judith Angeles, layunin ng pasilidad na tulungan ang mga kasalukuyan at potensyal na micro small and medium enterprises o MSMEs.

Kasama sa mga iaalok na serbisyo ng Negosyo Center ang business name registration, barangay micro business enterprise registration, business advisory, business information and advocacy, at monitoring and evaluation ng mga business-process improvement.

Sa isang pahayag, sinabi ni Mayor Leonardo de Leon na mapalad ang kanyang bayan na napagtayuan ng pasilidad pagkat malaking tulong ito sa mga nagsisimula pa lamang at yung mga nag-nenegosyo sa palengke. 

Ang pagtatayo ng Negosyo Center ay pagtalima sa Republic Act No. 10644 o mas kilala bilang Go Negosyo Act. 

Layunin nito na palakasin ang kakayahan ng mga MSMEs upang makalikha ng mas maraming oportunidad sa bansa. (CLJD/VFC-PIA 3)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews