Mt. Samat Memorial Cross inilawan

PILAR, Bataan – Nakiisa ang Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone sa isinagawang Ceremonial Lighting ng Memorial Cross sa Dambana ng Kagitingan sa Pilar, Bataan. 

Kaugnay ito ng isinasagawang pagdaraos sa bansa ng 30th Southeast Asian Games o SEAGames na naglalayong ipakita sa mga delegado at turista ang kagandahan ng Mt. Samat para mahikayat silang bisitahin ang makasaysayang lugar habang sila ay nasa bansa. 

Sa pamamagitan ng proyektong ito ay para maging visible ang naturang krus sa Manila Bay lalo na pagsapit ng gabi.

Kasabay nito ang nationwide ceremonial lighting na isinagawa rin sa 21 historical sites at landmarks na nakasama sa Quincentennial Committee para sa mandato ng Department of Tourism na mapreserba ang lahat ng pambansa o national treasures at heritage sites.

Sumisimbolo din ito ng simula ng patuloy na pag unlad sa naturang makasaysayang lugar o historical site sa pamamagitan ng inter-agency partnership o pagtutulungan ng ibat ibang ahensya gaya ng TIEZA, PVAO, Provincial Gov’t ng Bataan at ng LGU-Pilar.

Unang inilawan ang naturang Krus noong 2015 noong naging punong abala ang bansa sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews