Mahigit P1M pamaskong handog ng LGU-Pilar para sa edukasyon

Bumaha ng maagang aginaldo mula sa lokal na pamahalaan nitong nagdaang Biernes sa pagsisimula ng Paskuhan sa Bayan ng Pilar, Bataan 2019.

Unang sinimulan ang pagpapa ilaw sa mga pamaskong dekorasyon sa paligid ng munisipyo kasabay ng kantahan ng mga Christmas carols mula sa 12 kalahok sa isinagawang choral competition. 

Pinasaya ni Pilar Mayor Carlos “Charlie” Pizarro Jr. ang mga guro at estudyante sa mga ipinamahagi nitong cash prizes na tig-sasampung libong piso sa bawat choir na sumali sa patimpalak. 

Tatlong grupo naman mula sa tatlong paaralan ang nagwagi ng malalaking cash prizes kagaya ng Wakas Elem School, 2nd placer na nagkamit ng cash prizes na P15,000 at 200 thousand halaga ng school projects; 1st placer ang Pilar Elementary School na tumanggap ng P20 thousand at P300 thousand halaga ng pagawain para sa kanilang paaralan at ang itinanghal na grand champion ay ang Balut Elementary School P30,000 at P500 thousand halaga ng school projects. 

Ayon kay Mayor Pizarro isa sa mga major priorities niya sa kanyang panunungkulan ay ang de-kalidad na edukasyon para sa mga kabataan ng Pilar. 

Labis naman na ikinagalak ni Ginang Teresita Ordiales, hepe ng DepEd Pilar ang malaking kontribusyong ito mula sa LGU para sa edukasyon. 
Bukod sa naturang halaga ay nagbigay din ng apat na motorsiklo si Mayor Pizarro para sa karagdagang patrol vehicles ng Metro Bataan Development Authority o MBDA

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews