Maging ‘Laong Laan’ gaya ni Rizal- Alkalde ng Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS — Sumentro sa aral na gayahin si Dr. Jose P. Rizal sa pagiging isang Laong Laan o “laging handa” ang paggunita ng mga Bulakenyo sa kanyang Ika-123 Taon ng Kabayanihan.

Sa ginanap na programang pang-alaala na magkatuwang na inorganisa ng Order of the Knights of Rizal at ng National Historical Commission of the Philippines sa makasaysayang Casa Real de Malolos, binigyang diin ni Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian na kung ang lahat ng mamamayan ay magiging mga Laong Laan ay maitataas ang katuparan ng mga pangarap ni Rizal para sa kasalukuyang henerasyon at sa kinabukasan ng bansa. 

Ang Laong Laan ay ginamit na pen name ni Rizal sa kanyang isinulat na artikulo sa pahayagang La Solidaridad. Bukod sa ibig sabihin na laging handa, nangangahulugan din ito na “may nakalaan.” 

Dagdag pa ni Gatchalian, hindi lang dapat alalahanin ang kamatayan ni Rizal kundi dapat isabuhay ang mga inilaan niya para sa bayan at sa mga Pilipino sa ngalan ng kalayaan, kaunlaran at kapayapaan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews