2 tulak dedo, 20 pa arestado

Dalawang hinihinalang mga tulak ng droga ang napatay sa isinagawang dalawang araw na drug entrapment ng Bulacan Police habang dalawampu naman ang arestado sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Sa report ni PCol. Emma Libunao, acting provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang mga napaslang na drug pushers na sina Ace Gonzales, a residente ng  NHV, Barangay Bitungol, Norzagaray Bulacan at Richard Delara alias “Tuklaw”, edad 40 pataas.

Batay sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy bust operation ang Norzagaray Police laban sa suspek na si Gonzales sa nabanggit na lugar Huwebes ng hatinggabi nang mauwi sa madugong engkuwentro ang nasabing operasyon.

Nabatid na agad na naulanigan ng suspek na mga pulis ang kaniyang katransaksyon kaya naman agad itong bumunot ng baril na humantong sa palitan ng putok.

Pagkaraan ng ilang minutong palitan ng putok ay napatay sa nasabing engkuwentro si Gonzales kung saan narekober sa  pinangyarihan ng shootout ang 5 plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber at iba pang drug paraphernalia.

Gayundin ang sinapit ng suspek na si alias “Tuklaw” nang pilit nitong manlaban sa mga kapulisan ng Meycauayan Police dakong alas-1:50 ng Biyernes ng madaling-araw sa Barangay Pandayan at narekober dito ang isang .38 caliber at apat na plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kasabay nito ay nadakip naman sa magkakahiwalay na drug operations sa Bulacan ang mga suspek na sina Ryan Raymundo alias Yan Yan, 20;  Jovith Balila, 54; Randie Baltazar, 43;  Jayson Alano, 36d; Mark Anthony Yang, 40; Jeffrey De Leon, 33;  Mark Luigi Villanueva, 29;  Jamelo Nogueras, 18;  Jhumar Cubcubin, 35;  Roberto Bongol, 49; Bernabe Garbo Jr, 40;  Mark Niño Mabuyo, 27;  Alfred John Nolasco, 28; Philip Pascual, 24, Dexter Pascual; Robert Andaya, 28.

Kabuuang 63 plastic sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga ito.

Arestado rin sa ibang kaso ang mga suspek na sina Kyle Emanuele Asistio Suarez, 23 ng Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan sa kasong rape; Lhegine Odyssey Herrera, 21; Jean Andrea Joson, 30, kapwa kahera sa isang mall sa kasong Qualified Theft at Juan Carlos Pomeda, 37 sa kapareho ring kaso.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews