Vice mayor, barangay captain patay sa pamamaril sa Bulacan

Brutal na pinaslang ang dating bise alkalde at ang kasama nitong incumbent barangay captain makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin kahapon (Linggo) ng tanghali sa Barangay Bulihan, Plaridel, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni Bulacan Police provincial director Emma Libunao, kinilala ang mga biktima na sina Oscar Marquez, 54, may-asawa, residente ng Barangay Manatal at dating vice mayor ng Pandi, Bulacan at Mauro Capistrano, 56, married, Barangay Captain ng Barangay Bagbaguin ng nasabi ring bayan.


Ang mga nakabulagtang bangkay nina dating Vice Mayor Oscar Marquez (nasa damuhan) at Barangay Captain Mauro Capistrano (nasa batuhan) ng Pandi, Bulacan makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang mga aramadong suspek kahapon ng tanghali sa Plaridel, Bulacan. (Contributed photos)

Base sa panimulang imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alas-12:50 ng tanghali sa harap ng Mang Celo Eatery sakop ng Plaridel Bypass Road sa Barangay Bulihan.

Nabatid na dumating sa nasabing restaurant ang mga biktima lulan ng color white Toyota Fortuner SUV with plate no. NBU 7644 upang katagpuin ang kausap na kliyente kaugnay sa bentahan ng property.

Ayon sa mga saksi na sina Vincent John Garengo, kitchen aide at Joseph Fernandez, pump attendant ng katabing gasolinahan ng restaurant, dumating bandang alas-1100 ng umaga ang mga biktima.

Ilang oras ang ang nakalipas habang nakikipag-usapang mga biktima sa mga katransaksyonsa loob ng isang kubo hinggil sa bentahan ng lupa ay dumating ang dalawang suspek sakay ng isang Honda Click na motorsiklo at agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga biktima.

Agad na napuruhan sa ulo at katawan si Kapitan Capistrano na siyaa nitong ikanamatay habang si vice mayor naman ay nagawa munang makatakbo subalit inabutan sa madamong lugar at doon ilang ulit na pinagbabaril ng mga suspek.

Nang matiyak na patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek papuntangbypass road sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyoat deformed slugs mula sa .45 caliber.

Samantala, wala munang pahayag si Pandi Mayor Rico Roque hinggil sa pagkakapaslang sa mga biktima dahil hihintayin muna nito ang imbestigasyon ng kapulisan subalit nakahanda siyang magbigay ng pabuya kung kinakailangan para sa agarang ikalulutas ng kaso.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews