ASF virus nasa Orion, Bataan na rin

Ito ang kinumpirma nitong Sabado ni Orion Mayor Antonio “Tonypep” Raymundo, Jr. sa panayam ng mga Bataan-based reporters sa isinagawang groundbreaking ceremony sa 1Bataan Village.

Ani Mayor Raymundo, apat na barangay ang apektado ng African Swine Fever pero tiniyak nito na safe at dumaan sa tamang inspeksyon ng Bataan Provincial Veterinary Office ang mga karneng baboy na ibinebenta sa kanilang pamilihang bayan.

Sa kabuuan ayon pa sa Alkalde ay mayroong  tatlong libong backyard hog raisers sa bayan ng Orion habang isa lang ang commercial piggery.

Umabot sa mahigit 300 baboy na ang sumailalim na sa culling procedure bilang bahagi ng depopulation sa mga naapektuhan ng ASF virus para huwag nang makahawa pa sa ibang alagaing baboy.

Bukod sa Orion town ay nauna nang nag-ulat ang mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Abucay at Samal na napasok na ang ilang barangay nila ng ASF virus

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews