LOVE TERI Foundation tuloy ang serbisyo sa Abucay

“In the absence of our Mayor Liberato “Pambato” Santiago, nandito po ako para punan ang ilan ninyong pangangailangan.”

Ito ang mensahe ni dating Provincial Board Member at ngayong Provincial Adviser, Dexter “Teri Onor” Dominguez, sa Valentine’s Day parties ng mga senior citizens sa Barangay Calaylayan at mga barangay health workers. 

Si Mayor Santiago, na lolo ni BM Teri, ay kasalukuyang nasa medical leave dahil sa isyu sa kanyang kalusugan. 

Sa nabanggit na okasyon ay nag-ulat si Bokal Teri (tawag sa kanya ng karamihan) ng mga latest updates sa mga aktibidad ng kanyang LOVE TERI Foundation. 

Ayon kay Dominguez, kagaya ng nakita niyang pag unlad ng mga bayan ng Mariveles at Hermosa dahil sa Freeport Area of Bataan at Hermosa Ecozone Industrial Park ay nais niya ring magkaroon ng sariling economic zone sa kanyang bayan sa Abucay. 

“May mga kinakausap na po tayong mga investors para sa posibleng pagkakaroon ng Abucay economic zone kung saan nais kong mabigyan ng trabaho ang ating mga kababayan kabilang na ang mga senior citizens,” pagtitiyak pa ni Dominguez. 

Bukod dito, ibinalita rin ni Bokal Teri ang kahandaan sa darating na tag-ulan at iba pang kalamidad kung saan may inihanda siyang mga dump trucks at rescue boats para sa Abucay na magagamit sa paglikas ng mga evacuees at paghahatid ng relief goods. 

Kaugnay nito, ipinakilala rin ni BM Teri ang kanyang “LOVE TERI Box” kung saan dito ilalagay ang mga relief goods kagaya ng bigas, canned goods, gatas, noodles kape, atbp., na dadalhin mismo sa bawat bahay ng mga residente na maapektuhan ng anumang kalamidad o bagyo.

“Kung noong mga nakalipas na taon ay pumipila po kayo sa dahilang kailangan po ng mga taong hiningan natin ng tulong ng documentation kung saan napunta ang kanilang mga donasyon. Sa pagkakataon pong ito, kami na po mismo ang magtutungo sa inyong mga tahanan para ihatid ang ating mga tulong,” dagdag pa ni BM Teri. 

Simula Pebrero 10 nitong taong 2020, ay sinimulan na rin ni BM Teri ang pagbibigay ng mga cakes sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan sa mga senior citizens at mga opisyal at empleyado ng munisipyo ng Abucay. 

Binanggit din ni Bokal Teri ang mga infrastructure projects niya sa Abucay kagaya ng mga school buildings (kasama na ang iba pang bayan sa Bataan), public address systems sa lahat ng barangay sa Abucay at ang planong renovation ng Abucay Plaza. 

Pinakahuling ibinalita ni Bokal Teri ay ang medical assistance sa mga mangangailangan ng serbisyonng public hospitals sa Metro Manila kung saan hinikayat niya na magpadala lamang ng kumpletong detalye ng pasyente at ang kanyang Foundation na ang bahala aniyang mag-asikaso.

Katuwang ni BM Teri sa kanyang mga proyekto ang kanyang mga kaibigan na kilalang mga personalidad sa larangan ng pulitika kagaya nila House Speaker Alan Peter Cayetano at Senador Bong Go.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews