Nasa apat na libong myembro ng Kababaihan ng Bataan Tungo sa Kaunlaran o KABAKA mula sa bayan ng Hermosa ang nakilahok sa pagdiriwang ng ika-23 founding anniversary nito sa Palihan Covered Court, Palihan, Hermosa, Bataan nitong Sabado at Linggo.
Nanguna sa selebrasyon ang “Ate ng KABAKA” na si Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, ang Founder ng KABAKA na si former Congresswoman at ngayo’y Directress ng SBMA na si Herminia Roman kasama sina Atty. Tonyboy Roman, Vice Mayor Eigie Malana, Board Members Jomar Gaza at Doc Bong Galicia, barangay officials at mga tagasuporta ng naturang women’s group na siyang kauna-unahang samahan ng kababaihan sa Bataan.
“Twenty-three years of empowering women and their families through livelihood programs, health services, and just giving back to the community. Of course, laging mula sa puso para sa bayan,” ani Congresswoman Roman.
Bukod sa mga naging ulat at pagbati ng mga lokal na opisyal ay nagkaroon ng kantahan at sayawan bago namahagi ng mga regalo sa mga dumalo.
Kinareer naman ni Congresswoman Geraldine Roman ang sikat na Tala dance habang sumayaw din at kumanta ang mag inang Herminia at Tonyboy.
“Siyempre, anything to make our KABAKAs happy! Excited na ako sa ating celebrations sa ibang bayan sa Unang Distrito ng Bataan,” sambit pa ng Mambabatas.
Matapos ang bayan ng Hernosa ay isasagawa ito sa bayan ng Samal, sa Samal North Elem. School sa Pebrero 29; March 1 sa Abucay, Bonifacio Camacho HS;March 7-8 sa Dinalupihan, Dinalupihan Civic Center; March 14-15 sa Orani, Orani Covered Court; at sa March 21 ay sa bayan ng Morong, Morong Covered Court (Plaza).
Layon ng naturang grupo na maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat myembro nito sa pamamagitan ng mga livelihood trainings at iba pang mga kaalaman para sa women empowerment.
Tonyboy Roman, Vice Mayor Eigie Malana, Board Members Jomar Gaza at Doc Bong Galicia, barangay officials at mga tagasuporta ng naturang women’s group na siyang kauna-unahang samahan ng kababaihan sa Bataan.
“Twenty-three years of empowering women and their families through livelihood programs, health services, and just giving back to the community.
Of course, laging mula sa puso para sa bayan,” ani Congresswoman Roman.
Bukod sa mga naging ulat at pagbati ng mga lokal na opisyal ay nagkaroon ng kantahan at sayawan bago namahagi ng mga regalo sa mga dumalo.
Kinareer naman ni Congresswoman Geraldine Roman ang sikat na Tala dance habang sumayaw din at kumanta ang mag inang Herminia at Tonyboy.
“Siyempre, anything to make our KABAKAs happy! Excited na ako sa ating celebrations sa ibang bayan sa Unang Distrito ng Bataan,” sambit pa ng Mambabatas.
Matapos ang bayan ng Hernosa ay isasagawa ito sa bayan ng Samal, sa Samal North Elem. School sa Pebrero 29; March 1 sa Abucay, Bonifacio Camacho HS;March 7-8 sa Dinalupihan, Dinalupihan Civic Center; March 14-15 sa Orani, Orani Covered Court; at sa March 21 ay sa bayan ng Morong, Morong Covered Court (Plaza).
Layon ng naturang grupo na maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat myembro nito sa pamamagitan ng mga livelihood trainings at iba pang mga kaalaman para sa women empowerment.
s ng pamumuhay ng bawat myembro nito sa pamamagitan ng mga livelihood trainings at iba pang mga kaalaman para sa women empowerment.