Karapatan ng mga katutubo dapat protektahan – Army 48th IB

LUNGSOD NG MALOLOS, Pebrero 27 (PIA) — Kailangan kilalanin, irespeto at protektahan ang karapatan ng mga katutubo.

Ito ang naging sentro ng talakayan sa radio ng 48th Infantry Battalion o 48th IB ng Philippine Army kamakailan.

Ayon kay 1st Lt. Janno Andig ng 48th IB at isa ring katutubo, tutumbasan ng 12 clusters o line of efforts ng pamahalaan ang mga propagandang ginagawa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA dahil ang mga katutubo ang ginagamit na pain ng mga ito upang sirain ang pamahalaan.

Kabilang sa pagsisikapang isasagawa ng bawat ahensya ng gobyerno ang local government empowerment; international engagement; legal cooperation; strategic communication; basic services; poverty reduction, livelihood and employment; infrastructure and resource management; peace, law enforcement and development support; situational awareness and knowledge management; localized peace engagement; Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP; at sectoral unification, capacity building, empowerment and mobilization. 

Paliwanag ni  Andig, may apat na karapatan ang mga katutubo. Ito ay ang karapatan sa ancestral domain and lands na madalas ay ginagawang guerilla zone ng CPP-NPA; right to self-governance and empowerment; right to social justice; at right to cultural integrity.

Kaya patuloy ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pangunguna ng National Commission on Indigenous Peoples upang i-angat ang kabuhayan ng mga katutubo.

Kabilang na riyan ang mabilis na pag-isyu ng certificate of ancestral domain title dahil tagubilin ni Pangulong Duterte na alagaan ang katutubo at ibalik ang karapatan ng mga ito na hindi ipinagkaloob sa mahabang panahon.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews