Pinangunahan ni dating bokal at ngayo’y provincial adviser ng Kapitolyo ng Bataan na si Dexter “Teri Onor” Dominguez ang inagurasyon ng dalawang palapag na silid aralan sa P. Rubiano Elementary School Brgy. Mabatang, Abucay, Bataan nitong Mierkoles.
“Isa po sa mga binibigyang prayoridad ng LOVE TERI (Foundation) ang mga imprastraktura sa sektor ng edukasyon upang mas mapag-ibayo pa ang pagkakaroon ng kaalaman ang ating mga kabataan para sa maliwanag na kinabukasan,” pahayag pa ng showbiz personality.
Dinaluhan ito ng nila Punong Barangay Juanito Silva, barangay officials, GPTA President Mrs. Lilian L. Mendoza, Provincial Consultant Guding Ferrer, DepEd Abucay PSDS Dr. Lingad, School Head of P. Rubiano Elementary School Miss Vilma D Bermillo, Metro Builders Construction, Parent Teachers Association, Parish Priest Rev. Father Milver Cruz at ni Bataan 1st District Representative Geraldine B.Roman.
Matapos ang pormal na pasinaya ay nagsagawa ng inspeksyon sa gusali upang masiguro ang katibayan at kaayusan nang bagong lilipatan ng ating mga mag-aaral.
“Tayo ay lubos na naniniwala pa rin na ang Kabataan ang pag-asa ng bayan kung kaya’t tuloy-tuloy lang po ang ating gagawing pagsuporta sa ating mga Kabataan at Kaguruan upang lalo pang maging mas komportable at maginhawa ang paglinang sa kanilang mga isipan,” dagdag pa ni Bokal Teri.
May sariling water tanks at water sources ang gusali, malinis at maayos na comfort rooms, typhoon at earthquake proof at PWD-friendly pa.
Samantala, pinapurihan naman ni Congresswoman Roman ang mga proyekto ni dating Bokal Teri Onor para sa bayan ng Abucay.
“It is a pleasure to work hand in hand with former Board Member Teri Onor in making quality education possible for the children of this town, Abucay,” sabi ni Rep. Roman.
Ayon pa sa mambabatas, si Bokal Teri ang isa sa mga naging inspirasyon niya sa pagsabak sa pulitika.
“Teri was one of the people who actually inspired me to run for public office. He is a very witty comedian with a golden heart.
Teri proved to me that gender is not an issue when it comes to serving our people and we both try to do it from the heart,” sambit pa ni Roman.