Bulacan nagsagawa ng medical mission para sa Taal victims

Mahigit isang libong evacuees mula sa 435 pamilya ng Barangay Pulong Bato at Barangay Alas-As sa bayan ng San Nicolas na biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal ang nabiyayaan ng medical assistance at relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI) sa ginanap na medical mission sa evacuation center ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Housing project covered court sa Barangay Talaibon, Ibaan, Batangas kamakailan.

Ang nasabing medical mission “Tulong ng Bulacan Para sa Nasalanta ng Bulkang Taal” ay pinangunahan ni Bulacan Governor Daniel Fernando kasama ang 193 contingents mula sa provincial government at DFMI sa pakikipagtulungan ng Batangas government sa pangunguna ni Governor  Hermilando Mandanas.

Ang mga bakwit ay galing sa nabanggit na dalawang barangay sa isla sakop ng Taal volcano na mayroong kabuuang had a total 1,813 individuals.

ulacan Para sa Nasalanta ng Bulkang Taal” ay pinangunahan ni Bulacan Governor Daniel Fernando kasama ang 193 contingents mula sa provincial government at DFMI sa pakikipagtulungan ng Batangas government sa pangunguna ni Governor  Hermilando Mandanas.

Ang mga bakwit ay galing sa nabanggit na dalawang barangay sa isla sakop ng Taal volcano na mayroong kabuuang had a total 1,813 individuals.

Ayon kay Batangas Provincial Social Welfare and Development head Joy Montalbo, ang mga bakwit ay pinayagan ng National Housing Authority (NHA) na gamitin pansamantala ang  600 housing units bilang shelter sa pakikipagtulungan ng Provincial Government ng Batangas.

Sinabi ni Bulacan PSWDO chief Rowena Joson na 26 ang dala nilang mga doktor mula sa 21 municipalities at 3 lungsod habang 18 nurses at 26 volunteers naman sa Damayang Filipino, PNP, PDRRMO, PPAO, PSWDO, PEO ang komposisyon ng Bulacan contingents.

Ayon naman kay Dra. Joy Gomez head ng provincial health, mga ubo at sipon, hypertension ang mga sakit ng mga pasyente.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mandanas sa mga Bulakenyo sa pangunguna ni Fernando.

Bukod sa free medical consultation sa mga senior citizens at mga bata, mayroon din free medicines, vitamins, free haircut ang ipinagkaloob habang naglalaman naman ng bigas, noodles at delata ang mga pinamigay na relief goods.

Nitong nakaraang Enero ay naghatid ng P1-million financial assistance at 5,000 relief goods ang una nang ipinagkaloob ni Gov. Fernando kay Gov Mandanas para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.

“This our way of giving back to them the blessings, because when our province was devastated by Typhoon Ondoy in 2009, Batangas was among the first ones who lend a helping hand to Bulacan,” ani Fernando

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews