Mag-ama patay sa Covid-19 sa Bulacan

Patay ang isang mag-ama na kumpirmadong infected ng Coronavirus (Covid-19) mula sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan ayon sa ulat ng  Provincial Health Office (PHO) nitong Sabado.

Pinangangambahan naman na kontaminado na rin ng nakamamatay na sakit ang buong pamilya makaraang mabatid na bago makitaan ng sintomas ang mga biktima ay nag-attend ng family birthday party ang isa mga biktima.

Base sa report ni Dra. Joy Gomez, director ng Bulacan PHO, namatay nitong Biyernes ang 89-anyos na ama ng unang nasawing Covid patient na umuwi mula London para dumalo sa isang kasiyahan o family gathering.

Nabatid na ang unang Covid fataliy, isang 65-anyos na lalaki ay umuwi ng Pilipinas para dumalo ng family birthday party at pagkaraan ay kinakitaan ng mga sintomas ng Covid kaya agad na dinala sa pagamutan sa Mtero Manila nitong Marso 10 subalit namatay nitong Marso 17.

Ang aman nito ay nagkaroon na rin ng sintomas makaraang madala sa ospital ang anak petsang Marso 14 at isinugod sa Jose B. Lingad Hospital sa Pampanga ngunit binawian ng buhay nito lamang Biyernes.

Ang ama ay kumpirmadong nahawa sa kaniyang anak kaya gayun na lamang ang pangamba ng Bulacan PHO na maaaring ang bawat nakasalamuha ng unang nasawi sa dinaluhang party ay posibleng mahawaan subalit ang mga ito ay kinonsiderang PUM.

Ayon sa report ng Bulacan PHO, 7 ang kaso ng Covid sa lalawigan at dalawa nga dito ang nasawi mula sa bayan ng San Ildefonso; ang ilan ay 2 mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte; 1 sa bayan ng Guiguinto, isa sa Lungsod ng Malolos at si Mayor Ferdie Estrella naman sa bayan ng Baliwag.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews