Bantay sarado at nagdagdag ng mga additional security measures sa mga rice mill sa Golden City Business Park at Intercity Industrial Estate, kapwa major rice trading centers sa bansa na nakabase sa bayan ng Bocaue, Bulacan,
Ayon kay Police Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Central Luzon regional police director, nakatanggap umano sila ng impormasyon sa sinasabing pag-atake ng mga robbery syndicate sa mga supermarkets, grocery stores, warehouses, at iba pang mga food banks sanhi ng kakulangan ng essential food supply o basic commodities dulot ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Bilang precautionary measures para pangalagaan ang mga nasabing major rice trading centers sa nasabing lugar, ang mga management dito ay nagdagdag ng security personnel 24/7 habang maglalagay din ng police monitoring post sa harap ng Intercity Industrial Estate na katapat naman ng Golden City Business Park, ayon kay Lt. Col. Rizalino Andaya, Bocaue police chief.
Ayon naman kay Bocaue Mayor Eleanor “Joni” Villanueva-Tugna nakaalalay din ang pamahalaang lokal sa pagtatalaga ng mga volunteers para tumulong sa puwersa ng kapulisan upang mabantayan ang mga nsabing major rice trading centers gayundin ang public market laban sa ano mang ilegal na aktibidades ng mga crime syndicate.
Binisita rin ni Mayor Tugna ang Bocaue Public Market at personal na inalam sa mga tenants ang mga concerns nito para mapangalagaan ang supply ng pagkain sa bayan kasabay ng paglalaltag plano ng lokal na pamahalaan para dito habang isinasagawa ang Luzon enhance community quarantine.
“Huwag po kayong mag-alala, sapat po ang supply ng bigas at pagkain natin sa mga susunod na buwan. Hindi po tayo dapat magpanic buying,” ani Tugna.
Idinagdag pa ng alkalde na suportado ng munisipyo ang mga market vendor kung saan pansamantalang ipinatigil ang pagkolekta ng bayad sa upa hanggang April 13, 2020.
Araw-araw din ipapatupad ang paglilinis at pagdisinfect sa mga palengke, ayon kay Mayor Tugna.
Kaugnay nito, sinabi ni Piolito Santos, National Food Authority Central Luzon Director na sinabihan na rin nila ang kanilang security personnel na maging alerto sa pagbantay ng kanilang NFA employees, offices, installations, warehouses, stocks sa ano mang threat o krimeng posibleng maganap ngayong COVID/enhanced Luzon-wide quarantine.
Idinagdag pa ni Santos na humingi na sila ng police uniformed personnel upang magsagawa ng monitoring sa lahat ng kanilang mga warehouses/installations.
“I also tasked the region’s police force to conduct risk and threat assessment in partnership with the different stakeholders (AFP, DOH, DRRMC, DSWD, etc) including the different local government units LGUs in identifying infrastructures or facilities (grocery stores, supermarkets, drugstores, warehouses, food banks, etc) with high probability or vulnerability to looting and identify wage earners, poorest of the poor, and those greatly affected by the ECQ who are to be prioritized in the distribution of goods and services,” ayon kay BGen. Sermonia.