Balanga LGU Inilunsad ang Mobile Kitchen Program

Ang Pamahalaang Lungsod ng Balanga, sa pangunguna ni Mayor Francis Anthony S. Garcia, ay nagtayo ng mobile kitchen station para sa dalawampu’t limang barangay na nasasakupan nito.

Nitong Lunes ay nagkaroon ng pagtitipon ang mga kapitan ng barangay kung saan pormal na binigay ng Pamahalaang Lungsod ang mga kagamitan para sa mobile kitchen sa Malabia Covered Court.

Kasama sa mga kagamitan ang dalawang kalan, dalawang malalaking kaldero, mga sandok, at iba pang gamit pang kusina. Kasama na rin rito ang mga pangunahing sangkap sa lulutuin.

Bawat barangay ay magkakaroon ng isang barangay health worker bilang tagapagluto na sasamahan rin ng dalawang iskolar.

Samantala, ang benepisyaryo sa programang ito ay ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng tulong.

Base sa tinakdang bilang, 30% ng household population ng bawat barangay ay makikinabang rito. Bagaman araw-araw ang pagluluto, per batch naman ang distribusyon nito.

Bukod dito ay makakatanggap din ang mga barangay ng mobilization fund na magagamit nilang pambili ng karagdagang pangangailangan para sa programa. 

Pakiusap naman ng Pamahalaang Lungsod na panatilihing malinis at maayos ang kusinang gagamitin ng mga barangay para sa programang ito.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews