Umaabot na sa 69,089 mga indibidwal ang lumabag sa umiiral na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Batay ito sa inilabas na huling datos ng Joint Task Group COVID Shield simula Marso 17 hanggang March 29, 2020.
16,988 sa mga lumabag ay naitala sa National Capital Region habang 38, 940 naman ay sa Luzon.
Samantala, nasa 593 na indibidwal na rin ang bilang ng mga naaresto sa buong bansa dahil na rin sa iba’t ibang paglabag tulad ng pagho-hoard ng alcohol at pagsasamantala sa presyo nito gayundin sa iba pang mga pangunahing bilihin.
Nasa 6,837 naman ang bilang ng mga PUI o Persons Under Investigation sa buong bansa ang naharang ng mga awtoridad dahil sa tangka nilang pag-iwas sa mga inilatag na Quarantine Checkpoints.