Apat na doktor sa Nueva Ecija, positibo sa COVID-19

LUNGSOD NG CABANATUAN — Kabilang ang apat na doktor sa listahan ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Nueva Ecija.

Ayon kay Governor Aurelio Umali, apat ang doktor sa kabuuang bilang na 15 positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan batay sa datos umaga ng Marso 30. 

Tatlo sa mga doktor ay mula sa lungsod ng Gapan at isa mula sa lungsod ng Cabanatuan. 

Bukod pa rito ang isang kawani ng Cabiao General Hospital na nagpositibo din sa sakit na residente ng lungsod ng Gapan. 

Kaugnay nito ang kumpirmasyon na mayroon ng local transmission ng sakit sa lalawigan na kung saan nahawa ang mga doktor sa pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Pahayag ng gobernador, itong local transmission ng COVID-19 ang kinatatakutan at iniiwasang maitala ng konseho dahil sa maaaring pagkalat ng sakit. 

Kung kaya’t ang patuloy na panawagan ng punong lalawigan ay ang mahigpit na pagbabantay sa mga checkpoint at sa mga lansangan gaya ang pagsita ng otoridad sa mga taong walang suot na facemask bilang pag-iingat sa sariling kaligtasan gayundin para sa mga makakasalamuhang kapwa.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews