Extension building ng BMC, gagawing Central Quarantine Facility

LUNGSOD NG MALOLOS — Gagawin nang isang Central Quarantine Facility ang bagong tayong tatlong palapag na extension building ng Bulacan Medical Center o BMC.

Ito’y isang hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang tuluyan nang masugpo ang coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, ang bagong pasilidad na ito ay kayang makapaglulan ng 250 na mga pasyente. 

May laki itong 5,817 square meters na itinayo sa tulong ng Department of Health noong 2018. 

Matatagpuan ito sa harapan ng BMC compound na katapat ng Camp Alejo Santos ng Bulacan Police Provincial Office.

Binigyang diin pa niya na dapat ihiwalay muna sa mismong pamilya ang mga person under investigation o PUI at mga person under monitoring o PUM upang hindi maging mabilis ang pagkalat, sakaling maging positibo sa COVID-19. 

Ito aniya ang pinakamakatotohanang paraan upang tuluyan nang matuldukan ang pagkalat at pagkakahawa-hawa sa COVID-19 sa Bulacan. 

Kaya’t sa pamamagitan nito, iuubliga ng gobernador ang lahat ng PUIs at PUMs na dito na masailalim sa quarantine at hindi sa kani-kanilang mga bahay. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews