Malasakit at hindi diskriminasyon para sa mga PUI- Gob Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS — Hiniling ni Gobernador Daniel R. Fernando sa publiko na magpadama ng malasakit sa mga patients under investigation o PUIs mula sa coronavirus disease sa halip na diskriminasyon.

Ginawa ng gobernador ang pahayag matapos niyang malaman na may mga insidente na hindi maayos na pagtrato sa mga PUIs bagay na hindi dapat nararanasan ng mga biktima ng nasabing sakit.

Nakikiusap ang punong lalawigan na maging mahinahon, mag-ingat at magmalasakit at magbigay respeto at paggalang sa kapwa Bulakenyo.

Muli din niyang nilinaw na ang mga PUI ay hindi pa kumpirmadong positibo sa COVID-19 kundi mga pasyenteng kinakitaan ng alin man sa mga sintomas ng nasabing virus gaya ng ubo, lagnat, hirap sa paghinga o pagtatae at may close contact o direktang nakahalubilo ng taong nagpositibo. Marami-rami na rin anya ang PUI na clear na ng Provincial Health Office.

Gayundin, nakikiusap ang Kagawaran ng Kalusugan sa publiko na huwag mamahiya dahil lahat ay posibleng magkaroon ng COVID-19. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews